Pagdiriwang sa Buwan ng Agham at Matimatika
Sinulat ni Junalyn Ycong
Ipinagdiwang ang kauna-unahang Buwan ng Agham at Matimatika sa Mataas na Paaralan ng Punta Engaño noong buwan ng Setyembre sa taong kasalukuyan at nagtapos sa araw ng kulminasyon na isinagawa noong Oktubre 1, 2007.
Nagkaroon ng iba’t ibang paligsahan sa buong buwan ng Setyembre gaya ng bulletin board display, poster making , slogan, rap, speech choir at investigatory project. At ang mga nagwagi at nabigyan parangal ay ang mga sumusunod: Bulletin Board : II – Birch; Slogan: Noemae Icoy; Rap Contest : II – Acacia; Speech at Investigatory Project : IV- Diamond at sa Poster Making : Jose Daño
Tuwang –tuwa ang lahat sa ipinakitang kagalingan ni Rose Enry Abella ng II – Acacia sa pagbuo ng kanyang komposisyon para sa paligsahan ng “Rap”.
“Pwedeng pa lang pagsamahin sa isang awitin ang mga paksang natalakay sa Agham at Matimatika”, sabi ni Abella.
Ang matagumpay na kulminasyon ay pinaghahandaan nina Pergentina Luzon at Federico Nuñez (mga guro ng agham) at ang mga kasapi sa Science Club.
Tuesday, November 6, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment