Undas sa Makabagong Panahon
Sinulat ni Christy Sygaco
Sa pagdaan ng panahon at sa araw-araw na ginawa ng Diyos para sa tao ay hindi maiiwasan ang pagbabago. Ngunit kadalasan, imbes na mapabuti pa ang naturang kaugalian ay nagiging mitsa ito upang yurakan an gating pagkatao kabilang na rito ang pagbabagong naganap patungkol sa undas.
Ang undas ay ginaganap tuwing ika-2 ng Nobyembre ngunit dito sa Pilipinas ito’y ipinagdiriwang tuwing a-uno. Kaya nang dumalaw kami sa sementeryo, nagulat ako’t napatulala sa mga pinanggagawa ng mga tao may iba doon na nahulihan ng patalim, sa higpit ba naman ng mga pulis natin ngunit sa kabila nun ay may nakapuslit pa ring mga alak, radio at baraha. Ang pinagtataka ko lang, bakit nila ginagawa ito? Kailangan ba talaga? Hindi naman diba? Ang mahalaga ay ang panalangin para sa mga kaluluwa ng mga namayapa nating mahal sa buhay. Na kung saan, iilan lamang ang nag-aalay. Siguro nga dahil sa mga pangyayari sa sementeryo ay nagmamadali nalang umuwi ang mga tao. Karamihan na nga sa mga Pinoy ngayon, hindi pa nga ipinagdiriwang ang undas ay dumadalaw na sa sementeryo at inilalaan na lamang nila ang araw na iyon sa paghahanda ng mga alay. Ang sasarap nga ng mga handa, gusto ko na agad laklakin ngunit sabi ni Inay dapat raw munang hintayin na matapos ang pag-aalay bago ako kumain. Kasi hindi raw maganda kung tira-tira na lamang ang ipakakain mo sa mga kaluluwa. Naniniwala kasi kami na dumadalaw sila at kumakain ng handa sa panahong iyon. Sari-saring handa ang meron, may suman, bola-bola, mga prutas, alak, kanin at kung anu-ano pang handa ang nasa mesa. At gaya nang nakalakhan ko, tuwing ika-2 ng nobyembre nagkayayaan ang mga tao na maligo sa dagat, wala namang problema sa baon kasi may kanya-kanyang tira galing pa sa pagdiriwang. Ngunit kakaiba ang nangyari ngayon imbes na magkatuwaan ay nagkagirian ba naman ang mga ito at isang alitan ang nabuo. Ang isang kasiyahan na dapat sana’y pagmulan ng mabuting samahan ay nauwi sa panghabang-buhay na walang kibuan.
Sa pangyayaring iyon tumatak agad sa isipan ko ang salitang “pagbabago”, isang maikli at payak na salita ngunit nagtataglay ng di-pangkaraniwang kahulugan. Nakapagdudulot man ito ng kasiyahan o kabiguan, kabutihan o kasamaan ang mahalaga ay marunong tayong umintindi at magpasya dahil kagaya na lamang ng makabagong pamamaraan ng pagdiriwang natin sa undas ngayon, kakaiba at masasabi nating hindi na nararapat pa. Ngunit sa huli, tao pa rin ang humahawak nang disesyon kung sasang-ayon o hindi. Sa kabuuan, maituturing nating bukas sa pababago ang lipunan na dapat tahakin ng sinuman subalit atin ring pakatatandaan na taliwas sa makabagong pamamaraan atin rin namang isaalang-alang ang tunay na diwa ng undas.
Sunday, November 18, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment